Week #2: Kung hindi ikaw o ako, sino?

 

Sino nga ba ang karapat-dapat sisihin sa mga masasamang nangyayari saating bansa? Sino nga ba ang dapat kumilos at lumaganap ng kabutihan sa kapaligiran? Sabi ng iba, Ang mga opisyal daw kasi sila ang gumagawa ng mga batas na pwede sundan ng mga tao. Sabi rin nila, Ang mga guro daw kasi ang nagtuturo sa mga kabataan na tinatawag rin na Pagasa ng bayan. Ang sabi naman daw nila magsisimula ito saatin kasi lahat tayo mayroong ganap na responsibilidad at kung hindi naman ikaw o ako, Sino pa kaya ang kikilos ng magkaroon na tayo ng pagbabago?

 

Alam natin lahat na patuloy na lumalaganap ang Kahirapan saating bansa. Huwag nating kalimutan ang mga skwater na kung saan-saan lang makikita, ang mga bata o matanda na kung saan mo makikita na natutulog o nakahiga. Hindi rin natin maiiwasan ang mga taong nakatira sa ilalim ng mga tulay dahil nga sa kawalan ng mga programang pwedeng makatulong sakanila. Isa sa mga problemang dapat solusyunan ng gobyerno dahil hindi naman uunlad ang isang bansa kung mayroon pa ring mga tao na kulang na kulang sa benepisyo. 

 

Marami tayong magagawa upang bawasan ang paglanap ng kahirapan, hindi natin dapat asahan ang mga benepisyo na makukuha natin sa gobyerno pati narin ang mga maliliit na programa na nagbibigay seminar kung paano kumita ng pera dahil kahit sa maliit natin gawa, pwede tayong makatulong sa mga nakakahirap. Alam nating hindi ito maiihambing sa mga malaking programa ng gobyerno na kung saan magbibigay saatin ng malaking pagbabago, sa pag-iisip pa lang nating tumulong o magboluntaryo lamang sa mga kukunting kawaggawa, malaking tulong na ito sa pagtulong sa mga mahirap at malaking pagbabago narin ito saating mga sarili.

 

Ang sabi nila It’s more fun in the Philippines daw, maaring masasabi natin na maraming magagandang tanawin at magagandang lugar na pwede bisitahin sa Pilipinas pero dapat ba tayong maging masaya na kung sa ibang partre naman nito ay may nakabundak na mga basura? Maipagmamalaki ba natin kung patuloy ang mga transportasyon ay nagbubuga ng mga itim na usok? Masasabi ba nating fun ito kung makikita natin ang mga magagandang tanawin at makukulay na tradisyon na ipinagmamalaki natin saating bansa ay itinatagong maitim na kulay?

 

Ang karumihan at polusyon ay sadyang gawa ng mga nilalang at hinding-hindi natin masisi ang kung sino man dahil kahit ang ating mga sarili o mga kakilala ay gumagawa nito araw-araw. Patuloy nating ginagawa ang ating nakasanayan at patuloy narin tayong nagaabuso saating mga kayamanan ngunit naiisip ba natin ang mga susunod na henerasyon na marahil hindi makaranas sa mga likas na yaman na ito? Kumilos tayo at huwag maging makasarili dahil para din naman ang ating kabutihan sa mga anak at apo natin na maari pang umabot para makasaranas nito.

 

Naiisip ba nating gaano tayo kaswerte sa mga bagay nga mayroon tayo lalo na ang makapagaral sa isang pribahadong paaralan katulad ng Xavier University. Alam natin na marami na ang patuloy na tumitigil sa paaralan dahil hindi kulang sila sa pera pero ganun din naman karami ang mga kabataan na patuloy na gumagala kaysa mag-aral dahil din sa pera. Sayang naman ang perang nagagamit sa eskwelahan kung hindi rin naman ito pagbibigyang pansin, kung maari lang ito ibigay sa mga kabataang nagsasakripisyo pa para lang makapag-aral.

 

 

Maari ba tayong pumasok sa eskwelahan at basahin ang ating mamahalin na aklat, tapusin ang pag-aaral at makapagtrabaho upang patuloy tayong tumulong sa paglilinang saating bansa kaysa naman sa pagbibisyo at pagala-gala kung saan-saan? Isipin naman nating ang mga sakripisyo na ginagawa ng ating mga magulang, nag iba pa’y pumupunta sa ibang lugar para lamang kumita ng pera  para lang may maipadala sa Pamilya. Isipin nating kung ang lahat ng kanilang sakripisyo ay masusuklian nating ng magandang kinabukasan na tayo rin naman ang makikinabang.

 

Image

Bigyang halaga ang bawat sentimo at tingnan kung paano ito makagagawa ng malaking pagbabago kahit kanino. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s